SUMUKO ngayon kay Manila Mayor Isko Moreno ang suspek na nakasagasa at nakapatay sa nurse frontliner na si Renz Jayson Perez.
Kinilala ni Manila Mayor Isko Moreno ang suspect na si Mohamad Ali Sulaiman na sumuko kasama ang kanyang kapatid na babae na si Sauda Bacaye, may-ari ng kulay itim na Mitsubishi pick-up na minamaneho ni Sulaiman.
Inasistihan ang suspek ng legal counsel na si Atty. William F. Delos Santos kasama si Datu Basher ‘Bong’ Alonto, ang chairman ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace.
Una ring tumanggi si Bacaye na pangalanan ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan na nakasagasa sa nurse frontliner.
Matapos na masagasaan ay tinakbuhan ng suspect ang nakabisikletang biktima na si Reyes sa kanto ng P. Burgos at Maria Orosa St., Ermita, Maynila.
Ngunit sa pamamagitan ng CCTV ay natukoy ang suspek.
More Stories
150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!