MALI ang ginawa ng Bureau of Correction na gamitin ang Data Privacy Act para ilihim ang tunay na kondisyon at napaulat na pagkamatay ng inmates sa National Bilibid Prisons (NBP), sa pagsasabing protektado ng naturang batas ang death certificate na pawang public document na kailangan sulatan sa pagkamatay ng isang tao, ayon kay Senator Minority Leader Franklin Drilon.
Ayon kay BuCor Director Gerald Bantag, mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ng Data Privacy Act na ibunyag ang mga pangalan ng persons deprived of liberty (PDL) na namatay umano sa COVID-19.
Kinontra naman ito ni Drilon na sinabing ang katotohanang patay na ang isang tao ay hindi sensetibong personal na impormasyon na protektado ng Data Privacy Act.
“In fact, upon any person’s death, there is a requirement to execute a death certificate which is a public document,” ayon sa dating justice secretary.
“Disclosing information about a prisoner’s death is not a protected information under the Data Privacy Law, ” saad ni Drilon. “The fact that a person is dead is not contemplated by the law.”
Nakasaad sa Section 3 (l) ng R. A. No 10173 ang ilang sensitibong impormasyon na hindi maaaring ilantad sa publiko. Kabilang dito ang lahi, ethnic origin, marital status, age, color, and religious, philosophical o political affiliations”, “ kalusugan, edukasyon, genetic o sexual life ng sinumang tao o ang paglilitis sa anumang paglabag o hinihinalang nilabag ng naturang tao, pagsasapubliko ng proceedings o sentensiya ng anumang korte sa naturang paglilitis. Kabilang din dito ang “social security numbers, nakaraan o kasalukuyang health records, lisensiya o pagtanggi, suspensiyon at pagbawi dito at tax returns; at “Specifically established by an executive order or an act of Congress to be kept classified”.
“Ang hinihingi lang po natin ay impormasyon kung sino ang mga patay. That is factual,” dagdag pa niya.
“Ano bang tinatago ng BuCor? Moreover, transparency is an effective mechanism to guard against abuses such as fake or simulated deaths,” giit niya.
Sinabi rin ng senador na kung ganito ang mangyayari, katulad ito na binigyan ng lisensiya ang BuCor na ideklara kung sino ang patay at sino ang buhay sa loob ng pinakamasikip ng kulungan sa buong mundo.
“It is dangerous and it is prone to different kinds of abuses. I am afraid it can be used to make prisoners disappear, cover up extra-judicial killings, and even to fake death,” giit ni Drilon.
“Disclosing information about prison deaths will not do any harm,” ayon kay Drilon, “Transparency is an effective mechanism to guard against abuses such as fake or simulated deaths.”
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON