Magbabalik na sa hard court ang Warriors power forward na si Draymond Green matapos ang ipinataw na indefinite suspension ng NBA.
Ito’y matapos ang nangyari sa kanilang laro kontra sa Phoenix Suns kung saan nasapul sa kamay ni Green ang ulo ng big man ng Suns na si Jusuf Nurkic dahilan ng pagbagsak nito.
Dahil sa kanyang suspensiyon ay labing anim na consecutive game ang hindi siya nakapag-laro.
Samantala, maglalaro ang 4 times all star na si Green sa kanilang susunod na laro kontra sa Memphis Grizzlies.
Nakapagtala ang struggling Warriors ng 8-7 na kartada simula ng suspensiyon ni Green dahilan ng kanilanbg pagbagsak sa ika-12 na puwesto sa standing. RON TOLENTINO
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
Lalaki, arestado sa panggugulo at baril sa Navotas
2 welder, patay nang ma-trap sa nasunog na barko sa Navotas