
MASASAKSIHAN ang mga pinakamahuhusay na paddlers ng bansa sa pagratsada ng tatlong araw na karerang sasagwan sa lawa ng Taal sa Oktubre 7 hanggang 9 sa Talisay,Batangas.
Sa idinaos na paglulunsad ng higanteng kaganapan kamakalawa sa Club Balai Isabel ng naturang bayan, ang kumpetisyon na may basbas ng Philippine Canoe Kayak and Dragonboat Federation at suportado ng grupong Sagip Taal Lake, Club Balai Isabel, local government unit ng Talisay, Rea EventSpecialist ay lalahukan din ng mga nasa miyembro ng elite na paddlers na naghahanda sa mga international events tulad ng Asian Games, Asian indoor sports at Southeast Asian Games sa susunod na taong 2023.
Ang tunggalian sa lawa ng mga batikang mananagwang kabataan ay may temang ‘Sagip Taal Lake at may titulong SAGWAN SAGIP TAAL LAKE ayon kay Club Balai Isabel Account Executive Arnnie Miano kasabay na rin ng pagdiriwang ng asosasyon.
Ang kaganapan sa timon ng NSA ng bansa na PCKDF ay pinamumunuan ng pangulo na si Teresita Uy katuwang si secretary general Borg Pelias habang si Leonor Escollante ang siyang head coach.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na