TARGET ng pamunuan ng Philippine Canoe-Kayak and Dragonboat Federation (PCKDF) na mas maipapakilala sa sambayanan ang sports sa nakalinyang local at international tournaments ngayong taon, gayundin ang pagpapatibay sa kasunduan sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Aminado si PCKDF president Len Escollante na malaking hamon sa sports ang pagtanggap ng taong-bayan, higit sa mga pribadong sektor na siyang magiging kaakibat sa patuloy na paglinang at paglago ng sports mula sa grassroots hanggang sa elite level.
“Yes, biggest challenges naming ang maipakilala ang sports ng todo at mailapit sa pribadong sektor. Alm naman nating limitado ang budget ng pamahalaan kaya kailangan din naming na magdoble kayod,” pahayag ni Escollante sa ginanap na Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
Kabilang sa aksyon ng PCKDF ay ang pakikipagtambalan sa Local Government Units (LGUs) na ayon kay Escollante ay nagbunga nang Maganda para sa dragong boat.
“Last Palarong Pambansa exhibition game ang dragonboat dahil talagang nagustuhan ni Mayor Teodoro yung sports at next year’s Palaro sa Cebu kasama na rin tayo,” ayon kay escollante sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Maging sa darating na Batang Pinoy at Philippine National Games – parehong programa ng PSC – kasama na rin sa paglalabanan ng kabataan ang dragonboat.
“Kami na ang magprovide ng bangka at mga equipment, sasagutin na lang ng PSC yung logistics dahil medyo marami-raming bangka itong gagamitin,” aniya.
Ayon kay Escollante nakalinya na ring ang Inteernational Club tournament sa Nobyembre 13-17 sa Puerto Princesa sa pakikipagtulungang ng mga local na opisyal. Kasunod nito ang arangkada ng Philippinr Team sa Penang, Malaysia sa Disyembre.
“Naibigay din sa atin ang hosting ng World qualifying meet next year kaya talagang busy tayo,” aniya.
Ikinalugid din ni Escollante ang pagkatalaga ni multui-sports athlete na si Ringo Borlain bilang strength and conditioning coach ng koponan.
“Nagpapasalamat ako sa president Len escollante, dahil tunay na malaking bagay sa development ng atketa yung mabantayan ng tama ang ginagawa nilang training. In three-months na magkakasama kami, may nadevelop na yung endurance ng mga bata,” pahayag ni Borlain na isa ring professor sa sports sa PUP at La Salle.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI