September 16, 2024

Dragon Boat sa TOPS usapang Sports

Ang kahandaan ng atletang Pinoy at ng lalawigan ng Palawan sa hosting ng World Dragon Boat Championships ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Spirts’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.

Magbibigay ng pinakabagong kaganapan sa paghahanda ng bansa sa pinakamalaking torneo sa sports ng Dragon Boat ang mga opsiyal ng Philippine Canoe-Kayak Dragon Boat Federation (PCKDF) sa pangunguna ni coach Len Escollante sa lingguhang sports forum ganap na 10:30 ng umaga.

Kabilang ang Dragon Boat sa sports na nagbibigay ng karangalan sa bans amula sa mga tagumoay sa international championships at ang hosting ng World Championship ay isang malaking pagkilala ng international community sa kakayahan ng Pinoy.

Inaaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga opisyal at miyembro ng makiisa sa talakayan sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at Pocari Sweat, at mapapanood via livestreaming sa TOPS Facebook page at sa Channel 8 ng PIKo (Pinoy Ako)_ — ang pinakabagong network mobile apps na libreng mada-download sa android mobile phone. (DANNY SIMON)