December 26, 2024

Dr. Pio Valenzuela Museum, binuksan na sa publiko

BINUKSAN na sa publiko ang Dr. Pio Valenzuela Museum na kakikitaan ng kabayanihan at katapatan ng buhay ni Dr. Pio Valenzuela kasabay ng paggunita ng 25th Charter Day ng lungsod.

Ang Dr. Pio Valenzuela Museum ay makikita sa Barangay Pariancillo Villa, Valenzuela City.

Ang bahay ni Dr. Pio ay matatag na itinayo noon pang-19th century na ngayon ay kinikilalang “one of the most important structures in the city” na sumisimbolo ng leadership, at serbisyo sa kapwa.

Ipinagkatiwala ng pamilya Valenzuela sa City Government of Valenzuela sa pamumuno ni dating Mayor Rex Gatchalian, ngayo’y DSWD Secretary para i-preserve ang kanilang bahay na ginawang museum para makilala ng taga-Valenzuela ang kabayanihan ni Dr. Pio at ang mga nagawa nito.

Naganap ang ribbon-cutting ceremony kasunod ng unveiling of the historical marker mula sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ang inagurasyon ng museum na pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Bernadette Fatima Romulo-Puyat at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) OIC – Executive Director Carminda Arevalo.

Hinati sa apat na bahagi ang bahay na sumisimbolo ng Balangkas ng Buhay, Haligi ng Katipunan, Guho at Gunita at ang Muhon ng Bayan.

Dumalo rin sa inagurasyon sina Arkitekto Gerard Lico, ang nag-reimagine sa tahanan ni Dr. Pio Valenzuela, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, mga konsehal ng lungsod, kabilang si Cris Feliciano at mga opisyal ng Brgy., Pariancillo Villa.

Ang Museo ni Dr. Pio Valenzuela ay bukas sa publiko mula Martes hanggang Linggo simula alas-9 ng umaga hanggang ala-4 ng hapon at libre ang pagbisita sa museo. (JUVY LUCERO)