November 23, 2024

Dr. Bondoc umapela kay Duterte: Rapid testing ihinto na!

UMAPELA si dating Pampanga 4th District Representative Dr. Anna York Bondoc kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ang paggamit ng rapid testing sa Pilipinas dahil maraming false result na nilalabas ang naturang mga test kit.

“Dear, Honorable President Duterte requesting for a ban of rapid testing. I’am respectfully requesting a ban for antibody serology testing or popularly called rapid testing effective immediately rapid testing is internationally agreed by medical professionals to be unreliable with numerous false positives and false negatives,” lahad ng Pulmonary at Critical Care Specialist sa kanyang video.

Saad ni Bondoc, banned na ang mga rapid testing sa ibang bansa tulad ng Australia, Dubai at India dahil sa hindi accurate na resulta nito, ngunit sa Pilipinas ay ginagamit pa rin ito ng gobyerno at mga private sector.

All Balik Probinsya we’re rapid tested, many casino’s, restaurants, hospitals, malls require all their employees to undergo rapid test every two weeks, big corporations requiring their employees before returning to work this will happen again in mass after the MECQ, many LGU’s and government agencies requiring rapid test for unclear reasons,” saad pa ng doktor.

Lahad pa nito, mas dagdag pahirap lang ang mga rapid test sa mga manggagawa lalo kapag nag-false positive, na ibig sabihin ay hindi makakapagtrabaho ng ilang araw dahil sa pag-aakalang may COVID-19.

“It is seriously damaging the Philippine’s effort to combat COVID, additionally it is imposing much unnecessary hardship to the Pilipino people,” giit ni Bondoc.