IBINIDA ng Department of Public Works and Highways na natapos na nito ang pagtatayo ng 75,479 classrooms sa buong bansa sa loob nang nakalipas na tatlong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DPWH Secretary Mark A. Villar sa gitna nang nagaganap na pandemya at pagbabawal sa face to face classes, ang mga estudyante sa elementariya, sekondarya at senior high schools ay magkakaroon ng maayos na silid-aralan sa sandaling bumalik na sa normal ang klase.
Sa naturang bilang, 50,562 ang natapos noong 2017; 23,161 ang naitayo noong 2018 habang 1,756 noong 2019.
Maliban sa mahigit na 75 na classroom, sinabi rin ng kalihim na marami pang classroom projects ang malapit na matapos sa iba’t ibang lugar sa bansa na ginugulan ng pondo mula sa Basic Education Facilities Fund (BEEF) program ng Department of Education (DepEd).
Upang maging episyente at tagumpay ang implementasyon ng proyekto, ginamit ng DPWH at DepEd ang isa hanggang apat na storey school building, na minomonitor ng ahensiya at tanggapin ang mga natapos na ayon sa itinatakdang rekisito.
Umaasa ang kalihim na marami pang school buildings ang matatapos ng ahensiya sa sandaling magsimula na ang face-to-face classes sa 2021 partikular sa mga lugar na mababa ang banta ng corona virus disease o COVID-19 pandemic at mayroon na ring gamot o vaccine na nalikha laban sa virus.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY