UPANG tumulong sa pamahalaan na matugunan ang pangangailangan ng COVID-19 patients, ibinigay noong Lunes (Nob.16) ng Department of Public Works and Highway (DPWH) sa pangunguna ni Sec. Mark Villar ang 27 container vans-turned 96- bed quarantine/isolation facility sa Las Pinas city government kahapon, Nov. 16.
“The new quarantine/isofacility will augment the existing healthcare facilities in Las Pinas City which will definitely help in controlling the spread of Covid-19 affected persons in the city,” noted Villar.
Ayon kay Villar, may apat na kuwarto na kumpleto sa healthcare amenities, toilets at utlities ang bawat 24 units na 40-footer container vans na nasa Goodyear Compound sa Barangay Almanza.
Para naman sa nurse station ang 2 unit na 20-footer container vans at isa pang 20-foot container van ang para sa X-ray facilities.
Dinesenyo ang isolation facility na may wastong bentilasyon ayon sa alituntunin at rekomendasyon ng Department of Health (DOH).
Nanggaling ang 35-million budget allocation sa proyekto na tinawag na “Rehabilitation of Disaster-Related Infrastructure” mula sa regular na pondo ng DPWH para sa 2020, at National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
Ibinigay ang Covid-19 quarantine facility Las Pinas sa pangunguna nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar matapos ang blessing nito na isinagawa ni Rev. Fr. Inocencio Palmari noon ding Lunes.
Sinaksihan din ni Las Pinas Rep. Camille Villar ang okasyon na partnership ng DPWH at Las Pinas City government sa pakikipag-ugnayan sa National Development Company.
Tumutulong si Sen. Cynthia A. Villar at ang kanyang pamilya sa paglaban ng pamahalaan sa bagong coronavirus. Nagdodonate sila ng hospital equipment, portable handwashing stations, PPEs, face masks at face shields.
Kamakailan lamang, nagbigay sila ng hospital equipment sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGH & STC) para higit na palakasin ang pagtugon sa kalasalukuyang pandemiya. Nagbukas na ito ng sariling Covid-19 testing faciltiy.
Nag-donate ang Villar family ng laboratory freezer, biological refrigerator, autoclave sterilizer, passbox at ventilator sa nasabing ospital.
Tatlong gusali na ipinatayo ng Villar family ang kanilang idinonate sa ospital para sa extension ng mga pasilidad nito, pansamantalang tirahan ng healthcare workers at quarantine facility. Ang mga ito ay ang Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) and the Provincial Board Members’ League (PBML) buildings – lahat nasa Barangay Ilaya, Las Pinas City
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA