
May karapatan ang mga private sector employee na tumanggap ng 200 percent ng kanilang arawang sahod para sa papasok ngayong Martes.
Sa abiso na inilabas, pinaalalahanan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mga employer na sundin ang proper pay rules na itinakda para sa Eid’l Fitr, isang regular holiday.
Dapat bayaran ang mga empleyado ng 200 percent ang kanilang arawang sahod para sa unang walong oras (basic wage x 200 percent).
Kapag ang empleyado ay lumagpas ng higit saw along oras, dapat bayaran ng mga employer ang manggagawa ng karagdagang 30 percent
Kung ang empleyado ay nagtrabaho ng higit sa walong oras, ang employer ay dapat magbayad sa manggagawa ng karagdagang 30 porsyento ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng pangunahing sahod x 200 porsyento x 130 porsyento x bilang ng oras na nagtrabaho).
Sa kabilang banda, kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho o hindi pumasok dapat itong bayaran ng 100 percent ng kanilang arawang sahod. At para sa mga empelyado na papasok sa trabaho at natapat na araw ng pahinga or rest day ay dapat itong bayaran ng kabuuang 200 percent ng kanyang araw suweldo.buong bansa bilang paggunita sa Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.
More Stories
BATO BALAK BISITAHIN SI DUTERTE SA THE HAGUE: MAGWI-WIG AKO
PAMILYA MUNA
Arrival honors ng bagong QCPD chief ginanap sa Camp Karingal