MATAPOS putaktihin protesta at batikos, biglang kumambyo ang Department of Transportation (DOTR) kaugnay ng isinusulong a jeepney phase-out sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Ayon kay DOTR – Office of Transportation Cooperatives Chairman Jesus Ferdinand Ortega, hindi kasali ang mga tsuper ng mga pampasadang jeepney ang December 31 deadline na itinakda para sa consolidation.
Ani Ortega, pwede pa sumali sa consolidated groups o makasama sa mga kooperatiba ang mga drivers ng mga pampasadang jeep.
Magugunitang lumikha ng kalituhan at agam-agam sa publiko ang itinakdang December 31 deadline ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpasok ng unang araw ng Enero bunsod ng pagliban sa biyahe ng mga pampasadang jeep sa mga lansangan ng Metro Manila, Calabarzon at iba pang rehiyon sa bansa.
Batay kasi sa inilabas na memorandum ng LTFRB, hindi na pahihintulutan ang operasyon ng mga pampasadang jeep sa sandaling mabigong mag-consolidate, habang binigyan lamang ng naturang ahensya ang mga may nakabinbin aplikasyon hanggang Enero 31 para pumasada.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA