PAHIHINTULUTAN na ng Department of Transportation (DOTr) na luwagan ang physical distancing ng mga mananakay sa pampublikong transportasyon upang makapagsakay ito ng maraming pasahero dahil sa maraming trabahador ang nakabalik na sa kanilang trabaho.
Ayon sa DOTr, aprubado na sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang inimungkahi ng Economic Development Cluster (EDC) na mula sa isang metro distansiya sa mga upuan ay gagawin na lamang ito 0.75 meters para mabigyan ng pagkakataon ang ibang pasahero na makasakay simula sa Lunes, Setyembre 14.
“It could be further optimized to 0.5 meters after two (2) weeks, and to 0.3 meters after another 2 weeks,” saad ng DOTr.
Paliwanag ni DOTr Secretary Arthur Tugade, layunin nito na maitaas ang ridership sa public transportation.
Dahil dito, magpapatupad na rin ng adjusted passenger capacity sa mga tren.
Ayon sa DOTr, mula sa kasalukuyan na 155 train capacity sa LRT-1 sa ilalim ng umiiral na 1-meter physical distancing, tataas ang passenger capacity nito sa hanggang 300 sa pagpapatupad ng 0.75 hanggang 0.3 meter na distansya.
Sa LRT-2 naman mula sa kasalukuyan 160 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 502.
Sa MRT-3, mula sa kasalukuyan 153 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 286.
Habang sa PNR, mula sa kasalukuyan 166 na passenger capacity ay tataas ito sa hanggang 320.
Iginiit ni Tugade na maari ang pagbawas ng physical distancing hangga’t mahigpit na ipinatutupad ang health and safety measures gaya nang pagsusuot ng face mask at face shield at pagbabawal sa mga pasahero na magsalita o sumagot ng tawag habang nasa loob ng public transport.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna