
Tinanggal na sa puwesto ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon si Metro Rail Transit (MRT) Line 3 General Manager Oscar Bongon.
Ayon kay Secretary Dizon, naisumite na niya ang kanyang rekomendasyon para sa kapalit ni Bongon at hinihintay na lamang ang appointment papers mula sa Office of the President.
Hindi pa nilalahad ng kalihim ang dahilan ng desisyong ito, pero nangyari ang anunsyong ito ilang araw matapos ang kanyang pagkadismaya sa aberya sa escalator sa Taft Avenue station noong Marso 8, kung saan 10 pasahero ng tren ang nasugatan.
Sumakay din at nag-inspeksyon sa MRT-3 trains si Dizon noong Lunes para makakuha ng feedback mula sa mga komyuter kung paano mapapabuti pa ang serbisyo nito.
Naayos naman ng maintenance provider na Sumitomo Corporation ang nasirang escalator sa loob ng tatlong araw.
More Stories
COMELEC sinampolan sina Marcy at Maan Teodoro sa umano’y vote buying sa Marikina
Cardinal Robert Francis Prevost ang bagong Santo Papa
MAGIC 12 SA SENADO DIKDIKAN – SURVEY