
CAUAYAN CITY, ISABELA — Pinasinayaan ng Department of Science and Technology (DOST) Region 02, katuwang ang Isabela State University (ISU) at Business Intelligence and Research and Development Center (BIRDC), ang Phase 2 ng programang “SETUP Adoptor’s Digital Literacy Skills and Consultancy Towards the Development of SMARTER MSMEs for a Smarter Cagayan Valley.”
Sa tatlong araw na pagsasanay, 20 micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa iba’t ibang sektor sa rehiyon ang nagsama-sama upang palalimin ang kanilang kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa kanilang negosyo.
Bahagi ito ng flagship program ng DOST 2 na Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) na layuning pabilisin ang digital transformation ng mga lokal na negosyo at pagandahin ang kanilang kakayahang makipagsabayan at makaahon sa mga hamon.
Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Dr. Betchie Aguinaldo ng ISU at BIRDC ang mas malawak na layunin ng proyekto:
“This initiative is more than just a training program—it is a step forward in realizing our shared vision of a Smarter Cagayan Valley, where empowered entrepreneurs drive inclusive growth, sustainability, and innovation.”
Tinahak ng Phase 2 ang mas advanced na mga paksa gaya ng digital tools, innovation strategies, data management, cybersecurity, at e-commerce platforms. Mayroon ding one-on-one consultancy sessions para sa mga partisipante batay sa kanilang partikular na digitalization needs.
Mensahe naman ni Ms. Aileen C. Gonzales, Training Focal Person na kumatawan kay DOST Region 02 Regional Director Dr. Virginia G. Bilgera:
“Empowering MSMEs with digital knowledge and tools is not just about keeping up with technology—it’s about ensuring long-term competitiveness and resilience in an increasingly digital world.”
Naghatid din ng technical assistance ang ISU at BIRDC sa pamamagitan ng kanilang innovation hubs at mga eksperto sa larangan ng digital innovation, bilang pagsuporta sa adbokasiyang inclusive at sustainable growth sa rehiyon.
Ang pagsasanay ay nakabatay sa SMARTER MSMEs framework:
Sustainable, Market-oriented, Agile, Resilient, Technology-empowered, Entrepreneurial, at Resource-efficient.
Sa pagtatapos ng Phase 2, inaasahang maisasabuhay na ng mga kalahok ang kanilang natutunan at maisasama sa pang-araw-araw na operasyon ng kanilang negosyo ang digital strategies.
Ang inisyatibang ito ay patunay ng matatag na adhikain ng DOST Region 02 na bumuo ng isang digitally-enabled at innovation-driven Cagayan Valley, kung saan ang MSMEs ay nagsisilbing haligi ng pag-unlad sa rehiyon.
More Stories
PCCI sa Bagong Kongreso: Itulak ang Reporma Para sa Mas Malakas na Ekonomiya
PTFOMS naalarma sa panggigipit sa media sa 2025 mid-term elections
EcoWaste Coalition Nanguna sa Post-Election Clean-Up