
Upang matiyak na maidaraos nang maayos ang pagdiriwang ng 2025 National Science, Technology and Innovation Week (NSTW), nagsawa ang Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1) ng Curation Meeting noong Marso 3, sa Fort Ilocandia Hotel Resort.
Layon ng pagpupulong, sa pangunguna ni DOST Undersecretary for Regional Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A, Mabborang, na maayos ang pagpapalano at pagsasagawa ng event, na binigyang-diin ang innovation at regional impact.
Binanggit ni DOST Region 1 Director Dr. Teresita Tabaog na ang nasabing meeting ay nagmula sa mga diskusyon kasama si Usec. Mabborang hinggil sa kahalagahan ng pagtukoy ng tungkulin at responsibilidad sa pagho-host ng NSTW. Bilang kauna-unahang NSTW sa Region 1, binigyang-diin niya ang kinakailangan na guidance mula sa team nina Usec. Mabborang at Usec. Maridon Sahagun upang matiyak na maayos at matagumpay ang event.
Binibigyang-diin ni Usec Mabborang ang kanyang pananaw na itaas ang mga pamantayan para sa NSTW, na gawing hindi lamang isang pagdiriwang kundi isang nakaka-engganyong karanasan na magtatangi sa Region 1. Hinimok niya ang kanyang team na pumili ng kakaibang elemento na magpapatingkad sa NSTW 2025 kumpara sa mga nakaraang pagdiriwang sa Region 6 at 10.
Bukod dito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga inisyatiba kahit matapos ang kaganapan, upang matiyak na ang NSTW ay magsilbing plataporma para sa pangmatagalang pag-unlad ng rehiyon at hindi lamang isang beses na pagtitipon.
Iprinesenta naman ni DOST-Ilocos Sur Provincial Director at DOST Region 1 NSTW Focal Person, Engr. Jordan L. Abad ang kasalukuyang mga plano at estratehiya, kasama ang mga mungkahi mula sa iba’t ibang tanggapan ng DOST sa rehiyon at mga kaakibat na ahensiya. Ang pagpupulong ay nagbigay-daan din sa mga talakayan at brainstorming sessions upang mapadali ang pagpapatupad, mapabuti ang koordinasyon, at maisama ang mga makabagong ideya.
Sa mga paghahandang ito, layunin ng DOST Region 1 na maghatid ng isang natatangi at makabuluhang NSTW 2025, na ipinapakita ang agham, teknolohiya, at inobasyon bilang mga tagapagtaguyod ng progreso sa rehiyon at higit pa.
More Stories
HONASAN, BINAY AT DEL ROSARIO NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA MAKATI (Muling pinagtibay ang pagkakaisa at suporta)
TANIM-BALA BALIK SA NAIA? (Imbestigasyon sinimulan na – NNIC)
Kelot na akusado sa statutory rape sa Valenzuela, tiklo