
PATULOY na pinalalawak ng Department of Science and Technology (DOST) Region 02 ang kanilang STARBOOKS program sa rehiyon, matapos ganapin ang dalawang araw na installation at orientation noong Oktubre 17-18, 2024 sa Sto. Tomas Technological International School sa Sto. Tomas, Isabela.
Ang STARBOOKS o ang Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosk Station, ay isang digital library system na naglalaman ng mga e-books, videos at interactive modules.
Matagumpay na nakapag-install ng 13 kiosk si Mr. Carl Reyes, ang regional focal person ng STARBOOKS, sa tatlong paaralan – Santo Tomas High School, Lanna National High School, at Santo Tomas Technological International School.
Sa ngayon ay mayroon ng 96 kiosk na nailapag ang DOST Region 02 sa buong rehiyon ngayon taon.
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF