January 23, 2025

DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth

NAGING kaakibat ng Department of Science and Technology (DOST) ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) para sa inagurasyon ng DOST-PCCI Technology, Innovation, and Business hub sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ang state-of-the-art hub, na binuksan noong Nobyembre 18, ay nakikita bilang isang transformative platform kung saan ang agham, teknolohiya, at negosyo ay magsasama-sama upang magbigay ng mga solusyon para isulong ang Filipino industries tungo sa pandaigdigang kompetisyon.

Itinampok ni Mr. Ferdinand Ferrer, PCCI executive vice president at director ng Science, Technology, and Innovation, ang kahalagahan ng hub at binigyang-diin ang potensiyal nito sa pagpapalakas ng mga negosyo at pagbabago sa mga industriya.

“This innovation center offers a vital channel for the government to help the private sector progress and survive, benefiting over 900,000 businesses,” ayon kay Ferrer.

“Where science meets business, and research becomes not just a knowledge generator but a producer of tangible solutions that can transform our industries toward global competitiveness,” paglalarawan naman sa naturang hub ni Consul Eunina Mangio, PCCI president.

Ibinahagi din ng DOST leaders ang kanilang papanaw sa hub, kung saan pinagtibay ni Kalihim Dr. Renato U. Solidum Jr. ang pagkakahanay nito sa mga pambansang layunin: “This collaboration is a cornerstone of our Philippine Development Plan 2023-2028 and Ambisyon Natin 2040. Together, DOST and PCCI will ignite a transformative ecosystem that catalyzes growth, sparks creativity, and propels Philippine enterprises toward global competitiveness.”  “This collective effort aims to position the Philippines as a leader in science, technology, and business innovation,” ayon naman Assistant Secretary Dr. Napoleon K. Juanillo Jr.

Ang inagurasyon ay tanda ng isang makabuluhang hakbang sa pagpapalalakas ng pagtutulungan sa pagitan ng mga institusyong pampubliko (gobyerno) at mga kompanyang pribado sa larangan ng inobasyon. Ang hub ay magsisilbing sentro para sa collaborative projects, na magpapalakas sa creativity at nagbibigay-daan sa mga negosyo na umangkop sa mga umuusbong na pangangailangan sa merkado.