November 2, 2024

DOST INILUNSAD ANG ‘AGRIZKAYA ONE-STORE HUB’ SA NUEVA VIZCAYA

“We will survive, recover and even advance.”

Ito ang idineklara ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato ‘Boy’ Dela Pena kasabay ng paglulunsad ng Agrizkaya One-store Hub sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Ang 29th one-store hub sa Pilipinas ay upang itaguyod ang lokal na produkto at serbisyo, partikular na ang organic-based commodities na gawa ng mga magsasaka sa Nueva Vizcaya at kalapit na probinsiya tulad ng Ifugao, Quirino, Isabela at Cagayan.

 “This one-store hub provides a new avenue for micro-, small and medium enterprises (MSMEs) to help market their products given the effects of this pandemic,” ayon kay Dela Pena.

Saad pa niya mahigit sa isang daang produkto ang inasaahang madagdag sa store na itinaguyod ng Agrizkaya Cooperative Federation noong Hulyo 31, 1991. Tiniyak din nito ang pagpapanatili at kakayahang mai-market ang mga produkto ng iba pang MSMEs.

Ipinaliwanag din niya na ang ginanap na paglulunsad ay kumakatawan sa isang “remarkable expression” na nagpapakita ng nasyonalismo.

“It is delightful to know that you chose to be the portal of other local products,” na tumutukoy sa mga taong nasa likod ng Agrizkaya Cooperative Federation, na nag-organisa sa hub.

Pinuri din ni Dela Pena ang lokal na pamahalaan ng Nueva Vizcaya sa pamamumuno ni Bambang Mayor Pepito Balgos.

Sa madaling panahon, sinabi na mas malaki pang proyekto na tatawaging Smart Food Value Chain store ang kanilang ilulunsad.

“This covers activities like planting to produce the raw materials; post-harvest processing, storage, logistics in taking the products to markets where they are in demand like food innovation centers where products are being processed or to different companies. Logistics and delivery are also important,” dagdag ni Dela Pena.

Ang general manager ng Agrizkaya Cooperative Federation ay si Eden Lacar habang Board chairman naman si Nieto Barrcena. Karamihan sa kanilang cooperative members ay mga magsasaka. Ang kanilang one-store hub ay matatagpuan sa Maharlika Highway sa Barangay, Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Para kay Regional Director Mabborang, ang one-store hub ay bahagi ng pagsisikap ng DOST upang matulungan ang MSMEs sa ilalim ng DOST Small Enterprise Technology Upgrading Program (DOST-SETUP). Ito ay isang pangunahing diskarte na sinusunod sa buong bansa upang hikayatin, suportahan at tulungan ang MSMEs na gamitin ang makabagong teknolohiya upang mapabutoi ang kanilang produkto, serbisyo, operasyon at madagdagan ang kanilang pagiging produktibo.

Nabanggit pa ni Mabborang na hindi gaanong naapektuhan ang performace ng one-store hub na sa katunayan ay nadagdagan pa ang kanilang benta ng 15 hanggang 20 porsiyento.