IPRINOMOTE ng Department of Science and Technology (DOST) Cordillera Administrative Region (CAR) ang mga produkto gamit ang eco-friendly technologies ng mga top Filipino inventors sa isang forum na ginanap sa Baguio City.
Dinaluhan ang nasabing event sa Elizabeth Hotel nina DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang; Dr. Nancy A. Bantog, regional director of DOST-CAR; Engr. Angel L. Maguen, assistant regional director of DOST-CAR; Engr. Victoriano Ocon, CEO of Vic Metal Fabrication and Environmental Services, Inc.; Engr. Jimson Uranza, president of Lead Core Technology System, Inc. (LCTSI) at Inventrepreneur, Francisco ‘Popoy’ Pagayon, chairman of the Filipino Inventors Producers Cooperative (FIPC).
Tinalakay ng resource person na si Uranza ang tungkol sa energy storage system habang nagsalita naman si Ocon patungkol sa solid waste management kasama si Payagon na ibinida ang kanyang multi-purpose speed grains solar dryer na Portasol.
Kinumpirma ni Mabborang na ang DOST-CAR ay may potensyal na mag-alok ng maraming bagay sa agham, teknolohiya at mga inobasyon ngunit sa ilang paraan ay hindi napapansin at ipinangako niya na mag-focus sa rehiyon sa pagkakataong ito.
Ang teknolohiya na inaalok ng Ocon’s Advance Waste Solutions (AWS) ay ang pinakabagong at kasalukuyang nagbibigay ng pinakamahusay na paraan ng waste management. Ang madaling pag-install, mababang gastos sa pagpapatakbo, minimal na pangangailangan sa lupa at isang malusog na solusyon sa problema ng basura ay ilan lamang sa mga pakinabang ng teknolohiyang ito.
Ang mga basura, garbage trash ay ilan sa mga problema sa lipunan at kapaligiran na nakakaapekto at lumalala sa paglipas ng panahon at populasyon na kailangang harapin, ayon kay Ocon. Ang mga basurang ito ay nagbabara sa mga kanal, daluyan ng tubig, kalye, open dumpsite at kung minsan ay sinusunog sa mga open space sa kabila ng pagsisikap ng mga local government units at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tugunan ang isyu.
Sa kabilang banda, sinabi ni Pagayon na ang kaniyang Portasol ay hindi nangangailangan ng maintenance at i-repair. Ito’y isang grain drying equipment na kailangan lalo na sa panahon ng tag-ulan at upang maiwasan ang kontaminasyon ng mga insekto at gulay.
“Our target are small-time farmers who are forced to sell their rice cheap because it’s wet or damp,” paliwanag ni Pagayon. Pero dahil sa Portasol, maari silang magbenta sa mataas na presyo. Aniya sa tulong ng DOST, maari silang gumamit ng hybrid plasctic bilang teknolohoya para gawin ang kanyang imbensiyon.
Batay aniya sa mga pag-aaral, nalulugi ang industriya ng pagsasaka ng P12-bilyon kada taon dahil sa hindi epektibong paraan ng pagpapatuyo ng palay.
Ang hybrid generator system ay isa pang teknolohiya na ginagamit ng Lead Core Technology System, Inc. o LCTSI na pinamumunuan ng kanyang pangulo na si Engr. Uranza. Ang kumpanya ay isang 100% Filipino corporation. Nakamit nito ang status ng “Total Stored Energy Solutions Provider”, sa 10 taon niya sa industriya.
Nag-aalok ang kumpanya ng malawak na hanay ng mga produkto mula sa mga industrial batteries, fuel cell, renewable energy at sa mga serbisyo tulad ng installation, monitoring at testing, commissioning at preventive maintenance.
More Stories
DMW SA MGA PINOY: MAG-INGAT SA ONLINE JOB OFFERS
Navotas Funbikers
Healthcare Waste Project isinusulong ang Zero Waste Practices sa mga ospital at pasilidad