January 18, 2025

DOST 1 ITINATAGUYOD ANG MATIBAY NA MGA KOMUNIDAD SA TULONG NG CEST PROGRAM

Bilang pagdiriwang sa 35th National Statistics Month, itinampok ng Department of Science and Technology Region 1 (DOST 1) ang kanilang Community Empowerment Science & Technology (CEST) Program sa Tekno Presyensya: Syensya ken Tenknolohiya para kadagiti Umili, sa pakikipagtulungan ng DZAG Radyo Pilipinas Agoo noong Oktubre 3, 2024.

Tampok sa naturang episode ang kahalagahan ng agham at teknolohiya para mapaganda ang kabuhayan at itaguod ang resilient communities sa buong Pilipinas, kasama si Mr. Decth 1180 P. Libunao, Assistant Regional Director for Field and Operations at CEST Project Leader, bilang resource person.

Layunin ng CEST Program, na isang pangunahing inisyatiba sa ilalim ng poverty alleviation efforts ng pamahalaan na lumikha ng progressive, gender-responsive at empowered communities.

Sa pamamagitan ng science and technology interventions, makatutulong ang CEST upang pasiglahin ang kalidad ng pamumuhay ng marginalized sectors, kabilang ang geographically isolated and disadvantage areas (GIDA), coastal at Indigenous Peoples (IP) communities, women’s groups at urban poor sectors.

Nito lamang taong ito, nakipag-ugnayan ang DOST 1 sa 27 komunidad at bagong anim na iba pa sa ilalim ng CEST program, kung saan 1,335 benepisyaryo ang nakinabang sa mahigit 1,152 science and technology interventions, tulad ng livelihood enhancement, health and nutrition improvement, human resource development, environmental protection at disaster risk reduction and management (DRRM). Isa sa magandang epekto ng CEST program ay sa livelihood development, kung saan napalakas ng mga komunidad ang kanilang mga lokal na produkto gamit ang available na resources at technology. Tiniyak din sa programa ang gender inclusivity sa pamamagitan ng livelihood projects na nagbibigay ng kapangyarihan sa kabaihan, na nagtataguyod sa pantay na oportunidad sa ekonomiya