DINUMOG ang pelikula ni Donny Pangilinan sa nakaraang premiere night nito, ang movie ni Donny na’GG’ ay hindi niya kasama ang kanyang ka-loveteam na si Belle Mariano.
“Okay naman iyon kay Belle, masaya nga siya dahil napakasuportive niya sa akin. Kung sakali namang gagawa siya ng movie na hindi ako kasama ay papayag naman ako dahil malaking tulong sa career niya.
“Masaya ako dahil sumuporta sina Andrea Brillantes, Edward Barber, John Arecilla. Halos lahat nga ng nakapanood ay na-karelate sa movie naming ‘GG,’ sana suportahan nila ang movie naming iyan. “Hindi naman ako nagmamadali sa lagay ng career ko, maganda kasi iyong ‘GG’ movie project at bagay sa akin iyong role kaya tinanggap namin.” kwento pa ni Donny Pangilinan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA