Uupak ngayon si four-division world champion Donnie “Ahas” Nietes sa Dubai. Sasagupain niya si Pablo Carillo ng Colombia para sa vacant WBO International super flyweight title.
Ito’y inilatag ng D4G Promotions ang tungkol sa laban. Pino-promote din ng Top Rank at Queensberry Promotions.
Bagama’t Black Saturday ngayon sa atin, tuloy ang clash ng dalawa. habang sinusulat ang suplementong ito, nagharap na ang dalawa sa official weight in
Magiging undercard ang Nietes-Carillo bout sa laban nina Jamel Herring at Carl Frampton sa Caesars Palace Bluewaters Dubai.
Ang laban kay Carillo ay unang upak ni Nietes (42-1-5, 23 KO’s) sa loob ng two years. Huli siyang lumaban noong December 31, 2018 sa Macau.
Kung saan ay ginapi niya si Kazuto Ioka ng Japan via split decision. Sa panalo ay nahablot niya ang WBO 115-pound strap.
Si Nietes ay sasapit na sa kanyang ika-39 taog gulang sa May. Isa siya sa three Filipino boxers na nagwagi ng 4-different weight class.
Ang isa ay si Sen. Manny Pacquiao at Nonito Donaire Jr. Ang tubong Murcia, Negros Occidental pug ay naging champion sa super flyweight. Gayundin sa flyweight, light flyweight at minimumweight sapol nang magsimula ang kanyang boxing career noong 2003.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2