“Wala naman po talaga kaming relasyon.”
Ito ang iginiit ni Mayor Lisedo “Dong” Calugay ng Sual, Pangasinan nang tanungin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kung mayroon silang relasyon sila ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa pagpapatuloy ng Senate hearing sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) nitong Martes, naglabas ng ilang piraso ng ebidensiya si Jinggoy kabilang ang larawan na magkasama ang dalawa sa isang campaign caravans, suot ang couple shirts at pagkakaroon ng isang supplier ng campaign giveaways.
Tulad sa nakaraang imbestigasyon, itinanggi ni rin ni Guo na may relasyon sila ni Calugay.
“Hindi ko nga alam na may ganong picture po,” sambit ni Guo kay Estrada.
Itinanggi rin ni Calugay na mayroon din siyang business relationship kay Guo.
Paliwanag niya, wala siyang ideya kung sino ang may ari ng Alisel Aqua Farm, Alisel Consumer Goods Trading Hardware and Construction Supplies, D and A Medical Equipment and Supplies Trading, Romanz Garden Inn, Happy Penguin Resort, AC Aqua Farm, Dee Aqua Farm, Licsel Fish Farm, Dongguo Fish Farm at Guco Aqua Farm.
Sinabi ni Estrada na ang mga business firms ay magkasamang pagmamay-ari nina Calugay at Guo.
Yung (The) Donguo, Dong and Guo, and Licsel, Alice and Liseldo. Tinalo niyo pa si DongYan ha,” pabirong banggit ni Estrada.
Hinimok ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros si Calugay na magsabi ng katotohanan.
Mayor, ‘di ba itong lahat ng mga pangalang ito pati ‘yung Dee Aqua Farm na may 15 units si Cheryl Medina sa Baquioen ay talagang mukhang pinagsamang mga pangalan ninyo?” tanong ni Hontiveros.
“Wala po akong ganyang negosyo, your honor. Hindi po ako nagsisinungaling,” sagot naman ni Calugay.
Nadawit ang pangalan ni Calugay sa nakaraang pagdinig matapos malaman ng panel na si Catherine Medina, ang kanyang executive assistant, ang nangialam sa counter-affidavit ni Guo laban sa kanyang non-bailable human trafficking case.
Calugay’s name was brought up in the previous hearings after the panel found out that Medina, his executive assistant, facilitated the notarization of Guo’s counter-affidavit against her non-bailable human trafficking case.
Noong lagdaan ang notaryadong affidavit nitong nakaraang Agosto 14, wala na si Guo sa bansa.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA