
NANG kumalat ang balitang nanliligaw itong si Donny Pangilinan kay Kathryn Bernado, nag-aalala ang mga fans ng DonBelle love team.
Hindi pa nga raw natatapos ang kanilang ‘Can’t Buy Me Love,’ saka naman naging pasaway ang actor.
“Tahimik ang kampo ni Donny Pangilinan, tungkol sa panliligaw issue kay Kathryn Bernado. Sign lamang ito na hanggang love team lang ang DonBelle, dahil hindi naman si Belle Mariano ang tinitibok ng puso ni lalake.
“Agad umaksyon ang management ng ABS-CBN, sa kahibangan ni Donny Pangilinan, kaya hindi na natuloy ang panliligaw nito kay Kathryn Bernado. Kaya ngayon walang pag-amin ang kampo ni Donny, kung totoo ngang nanligaw siya kay Kathryn Bernado,” pakli pa ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”