
Nangako si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire na magiging eksplusibo siya sa laban kontra Naoya ‘Monster’ Inoue. Magtutuos ang dalawa sa bantamweight unification bout.
“I am very fired up and it is going to be a very exciting fight,” ani Donaire. Ayon sa ilang Pinoy boxing analyts, kailangang mapatumba nito ang Japanese champion.
” Kuwan kasi, ang tsansa diyan, mga 50/50 o 40/60. Pabor ang karamihan kay Inoue na mananalo. Tapos, sa hometown pa nito sa Japan gagawin ang laban. Medyo dehado na tayo, run,” wika ng source sa kampo ng Pinoy pug.
“Need talaga ang convincing win. Huwag basta umasa sa decision. Kung madodomina ni Nonito ang kalaban, pwede. Pero, para walang problema, dapat i-knock-out niya,” dagdag pa nito.
Gaya ng sinabi ni Donaire, kumpiyansa siyang matatalo niya ang Japanese boxing star. Hindi na raw siya kayang i-knockout nito.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)