Inaprubahan na ng Asian Development Bank ngayong araw ng Lunes ang $250 million (P12.5 billion) loan para madagdagan pa lalo ang vaccine supply ng Pilipinas.
Ang halagang ito ay sasapat para sa 40 million na karagdagang doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin para sa mga eligible na mga bata at booster shots na rin para sa mga matatanda.
Sinabi ni ADB Principal Social Sector Specialist for Southeast Asia Sakiko Tanaka na suportado ng ADB ang mga hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas para maprotektahan ang mga mamamayan, lalo na ngayong may mga nagsusulputang bagong COVID-19 variants.
Sa pamamagitan ng pagbabakuna ay magiging maayos ang management sa health system mula sa epekto ng virus at matulungan din ang pag-sustain sa economic recovery.
Ayon sa ADB, ang proyektong ito na tatawagin bilang Second Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 under the Asia Pacific Vaccine Access Facility (HEAL2) Additional Financing, ay magiging co-financed ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM