Naalala ninyo pa ba ang kontrobersiyal na dolomite beach sa Maynila? Muli itong binuksan sa publiko subalit limitado lamang oras hanggang Martes, Hulyo 20.
Mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon ay maaring masilayan ng mga bibisita ang artificial na puting buhangin na pinagbabatehan sa online.
Gayunman, limitado ang kapasidad ng beach at nasa 120 katao lamang kada limang minuto ang pinapayagang mamasyal sa lugar.
Naglagay rin ng mga karatula na nagsasabing bawal ang paglangoy, pagkain, paninigarilyo, pagkakalat ng basura at pagpulot ng buhangin sa beach. Mahigpit ding ipinagbabawal ang parking sa gilid ng Roxas Boulevard.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA