LABIS na nagpapasalamat ang mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DOLE) matapos nitong ipagbawal noong Biyernes ang ‘no vaccine, no work’ policy na balak sanang ipatupad ng ilang employer para sa kanilang mga empleyado na ayaw magpabakuna dahil sa pangamba na may masamang epekto ito sa kanilang kalusugan at kaligtasan.
Inaprubahan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III noong Biyernes ang Labor Advisory 03-2021 o mas kilala bilang Guidelines on the Administration of COVID-19 in the Workplaces na nagbabawal sa ‘no vaccine, no work policy’ dahil ito’y illegal.
Matapos ilabas ang advisory, nagpahayag ang mga empleyado na nakaiwas sila sa pressure dulot ng polisya na ito na nais ipatupad ng mga kompanya.
“The employees are grateful for the prompt positive reaction from DOLE. It is quiet rare and precious for ordinary working people to praise the DOLE amid the adversity they are going through the pandemic crises and at whom many workers see appear too distant and unresponsive against unfair impromptu workplace rules issued by employers in the light of pandemic. But I have to convey their praise wherever is due,” sambit ni ALU spokesperson Alan Tanjusay.
Nakasaad sa advisory na ang COVID-19 vaccination ay hindi dapat sapilitan at ang mga tumanggi sa bakuna at hindi dapat i-discriminate.
Sinabi rin dito na ang mga manggagawa ay hindi dapat tanggalin, bawiin ang promosyon, o pagbawalan makapasok sa trabaho dahil sa ayaw nilang magpabakuna.
Sagot din dapat ng mga employer ang gastos sa vaccination sa trabaho at hindi puwedeng pasanin o ipasa sa mga empleyado, direkta man o hindi, ayon sa advisory.
Inilabas ni Bello ang guidelines matapos puntiryahin ng mga employer ang kanilang mga empleyado na humingi ng tulong dalawang linggo ang nakalilipas sa Associated Labor Unions (ALU) dahil sa takot na mawalan ng trabaho.
Matapos ang isinagawang company internal survey kung saan lumalabas na hindi pa handa ang maraming trabahador na magpabakuna, sinabihan ng mga supervisor ang kanilang mga empleyado na sinumang tatanggi na magpabakuna ng COVID-19 vaccines ay ire-reassign o ililipat sa ibang branch, o di kaya’y isasama sa blacklist at hindi papayagang makapagtrabaho o ilalagay sa furlough o floating status dahil sa pagiging unfit to work.
Sinabi ni Tanjusay na pinigilan ng guidelines ng DOLE ang plano ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas na maglabas ng mas malawak na ‘no vaccination, no work’ city ordinance na sakop ang government employees at mga empleyado sa pribadong sektor sa buong siyudad.
Naniniwala si Tanjusay na ang naturang advisory ay maiimpluwensiyahan din ang nagpapatuloy na ‘no jab, no job” raging debates na pumukaw sa pandemikong alitan sa industriya sa pagitan ng mga manggagawa at employer sa United States at Europe.
“This Philippine government advisory saying workers cannot be coerced and discriminated against if they do not get vaccinated will serve as mold template in helping putting to an end the raging debate between business groups and workers there,” dagdag pa niya.
More Stories
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO
Pagpapasinaya sa multipurpose buildings