Aabot sa 200,000 formal sector workers na apektado sa ipinataw at pagpapalawig sa Alert Level 3 sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa Pilipinas ang nakatakdang makatanggap ng P5,000 ayuda mula sa gobyerno bago pa man matapos ang Enero.
Ayon kay Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay ng Employment and General Administration Cluster ng Department of Labor and Employment (DOLE), naisapinal na ang guidelines sa pamamahagi ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa susunod na dalawang linggo.
Mahigit P1 bilyong pondo ang inilaan para sa third tranche na ito ng CAMP mula sa TUPAD fund ng DOLE para sa displaced o disadvantage workers sa ilalim ng 2022 budget nito.
“Instead na bumangon, na-put-on-hold na naman at ngayon ay na-extend tayo hanggang end of the month ang ating alert level 3 at nag-expand pa ‘yong areas covered by alert level 3. So kailangan ‘yong assistance ng ating mga kababayan,” ayon kay Tutay.
Sinabi rin ni Tutay na maraming negosyo ang labis na naapektuhan nang husto ng Alert Level 3.
“May iba na kahit Alert Level 3 mas gugustuhin nila na magsara temporarily dahil mas malaki ang gastos nila kaysa sa kikitain po nila,” saad niya.
“Mayroon naman pong iba na nagsasara dahil medyo matagal na itong sitwasyon at kung nakikita naman po nilang nalulugi lalong lalo na po ang mga maliliit na kompanya, mahirap din po talagang bumangon kung hindi po consistent ‘yong pag-o-open ng ating ekonomiya.”
Gagawing online ang aplikasyon para sa cash assistance ng mga apektadong kompanya o individual beneficiaries, na mareremit nila electronically matapos ang humigit-kumulang isang linggong proseso.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY