January 23, 2025

DOLE: OPORTUNIDAD SA TRABAHO, HINDI PA RIN SAPAT PARA SA BAGONG GRADUATES

AABOT lamang sa 200,000 mula sa mahigit 400,000 na bagong graduate sa bansa ang nagkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho ngayong unang quarter ng taon.

Ito ang lumabas sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan nananatiling mataas ang unemployment rate o dahil sa hindi pagtutugma ng skills ng jobseekers sa kanilang pinag-a-aplayang trabaho.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na problema rin ang kawalan ng angkop na trabaho sa mga lugar kung saan maraming jobseekers na may sapat na skills.

Sa ngayon, nangunguna sa mga sector na may pinakamaraming na-hire na manggagawa ang mula sa service at industry gaya ng turismo, accommodation, food and beverage gayundin ang mga nasa BPO.

Kaugnay nito, sinabi ni Laguesma na suportado ng kagawaran ang pagpapalakas ng work from home setup sa ilalim ng Telecommuting Act.

Tiniyak naman ng kalihim na ginagawa ng DOLE ang lahat para mahasa pa ang mga manggagawa at maging competitive sa pamamagitan ng upskilling at reskilling programs.