Naglabas ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa computation ng mandatory 13th month pay para sa private-sector workers ngayong taon.
Inilabas ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma ang guidelines, sa ilalim ng Labor Advisory No. 23, gamit ang P570 daily wage sa National Capital Region (NCR) bilang template.
Sa ilalim ng mga alituntunin, ang pinakamababang halaga ng 13th month pay ay hindi dapat mas mababa sa ika-labindalawa (1/12) ng kabuuang pangunahing suweldo na kinikita ng isang empleyado sa loob ng isang taon ng kalendaryo.
“To illustrate: Total basic salary earned during the year/12 months = proportionate 13th month pay. Using the minimum wage in the National Capital Region at PHP570 per day and a six-day workweek or an equivalent Monthly Basic Salary of PHP14,867.50 (PHP570.00*313/12 months). PHP172,140/12 months = PHP14,345 is the proportionate 13th month pay,” saad sa komputasyon ng DOLE.
Ang mga may karapatan sa 13th month pay ay mga rank-and-file na empleyado sa pribadong sektor anuman ang kanilang posisyon, pagtatalaga, o katayuan sa pagtatrabaho, at anuman ang paraan kung paano binabayaran ang kanilang sahod, sa kondisyon na sila ay nagtrabaho sa hindi bababa sa isang buwan sa taon ng kalendaryo.
Idinagdag nito na ang benepisyo ay dapat bayaran sa o bago ang Disyembre 24.
“Compliance with the 13-month pay shall be enforced by the appropriate DOLE Regional/Field/Provincial Office having jurisdiction over the workplace in accordance with the prescribed rules and regulations,” dagdag pa sa abiso.
Kasabay nito, sinabi ng utos na walang magiging exemption o deferment sa pagbibigay ng bonus ng mga empleyado.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust