December 26, 2024

DOKTOR NA NABIBISIKLETA IKINULONG DAHIL SA FACE SHIELD


TATLONG araw naghimas-rehas ang ang isang doktor sa Cainta matapos maaresto noong Abril 4 makaraang magbisikleta na walang suot na face shield.

Ayon sa pulisya, pinahinto ang doktor dakong alas-7:30 ng umaga noong Linggo nang dumaan sa checkpoint sa kahabaan ng Oritagas Avenue, Extension, Barangay Santo Domingo, Cainta.

Hiningan ito ng ID ng mga pulis na patunay na siya ay galing ng Cainta. Ipinakita naman ng doktor ang kanyang hospital ID. Matapos ma-verify na siya ay APOR o Authorized Person Outside of Residence ay pinaalis din ito.

Gayunpaman, pinagsabihan ang doktor na suotin ang face shield pero nagalit pa umano ito at nakipagtalo sa mga awtoridad. iginiit ng doktor na hindi niya kailangang magsuot ng face shield dahil siya ay nagbibisikleta at bilang doktor alam niya ang kanyang ginagawa.”

SA ilalim ng Joint memorandum circular no. 2021-001, “bikers are not required to wear face shields when cycling “due to the [potential] for vision impairment [that] face shields [may cause], bikers and users of other [modes] of active [transportation are exempt] from the mandatory use of face shields outside of their residences.”

Pero ayon sa Cainta police, kailangan daw suotin ng doktor ang kanyang face shield kapag bumaba ito sa kanyang bisikelta.

Sa ilalim ng administrative order, kailangan magsuot ng face shield “bago o pagkatapos” magbisikleta o iba pang similar activities.

Nagsampa ng reklamo ang pulisya ng simple disobedience at unjust vexation isang araw matapos siyang maaresto.

Nakasaad sa Article 125 of Revised Penal Code, na ang taong inaresto na walang warrant ay maaring dalhin sa korte sa loob ng 12, 18, o 36 oras depende sa offence’ penalty.

Maaring makulong ng hanggang anim na buwan at pagmumultahin ang isang tao dahil sa simple disobedience at hanggang isang buwan para sa unjust vexanation.

Wala namang komento ang Cainta police hinggil sa isyung ito.