December 25, 2024

DOKTOR IGINIIT NA ‘DI SAPAT ECQ PARA TUGUNAN COVID-19


HINDI raw sapat para sa St. Luke’s Medical Center chief medical officer ang dalawang linggong enhanced community quarantine na ipinatupad sa Metro Manila at kalapit na lalawigan na sinumulan noong Marso 29 hanggang Abril 11 upang tugunan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 habang siksikan ang mga pasyente sa ospital.

“It’s a warning for everyone that even if we had two weeks of ECQ, considering this unexpected surge since I think Friday night and the whole Saturday and Sunday, puro ICU-able eh,” ayon kay Dr. Benjamin Campomanes Jr.

Lumalabas sa pinakabagong datos mula sa Department of Health na 68% ng intensive care unit beds at 47% ng mechanical ventilators ang nagamit na.

Samantala, para naman sa Private Hospital Association of the Philippines, hindi lang lockdown ang solusyon sa patuloy na nangyayaring krisis sa kalusugan, kundi maging contact tracing at vaccination.

Ayon kay PHAPi President Dr. Jose Rene de Grano, ang susi para maresolba ang pandemya ay ang intensive na contact tracing at mabilis na vaccination.

“Proper way ng pag-contact tracing and also ‘yung vaccination. Kung maayos natin ‘yong vaccination, siyempre in a way after vaccination, two weeks after, may immunity na ang mga tao,” ayon kay Grano.

Mahigit sa 1.2 milyon ng does ng bakuna kontra COVID-19 ang naibigay nitong Abril 13, ayon sa datos ng gobyerno.