Nais ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ilipat sa Occidental Mindoro ang New Bilibid Prison (NBP) mula sa Muntinlupa City.
“Kung pwede, ilipat ang maximum security sa malayong lugar para hindi na sila nakakapinsala rito. . . . We don’t want them mixing with the population,” saad ni Remulla sa isang panayam.
“Nung isang araw lang, may nahulihan ng shabu sa Bilibid. ‘Yan ay isang senyales lang na may problema tayo,” dagdag pa niya. “Kung ang negosyo nakakapasok sa kulungan, pa’no pa ang security natin as a people.”
Aniya bumisita siya sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, na kasya ang 10,000 maximum security prisoners na kasakalukuyang nasa NBP.
Inamin naman ng opisyal na matatagal pa bago matupad ang kanyang gusto dahil kailangan ng malaking budget para rito. “Muntinlupa should no longer be the jail that it used to be,” saad niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY