Pinabubusisi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation ang lahat ng maaaring dahilan nang pagpanaw ni dating Bucor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta.
Si Zulueta ay kapwa akusado ni Dating BuCor Director Gerald Bantag sa kaso nang pagpaslang kay broadcaster Percy Lapid.
Ang utos ni Remulla ay sa harap nang pagdududa sa tunay na sanhi ng pagkamatay ni Zulueta
Ayon sa Kalihim, kung kailangang sumangguni ang NBI sa Forensic Pathologist na si Dr. Raquel Fortun upang magsagawa ng autopsy sa labi ni Zulueta ay kanilang gawin upang maalis ang mga pagdududa sa pagkamatay ng akusado
Sa report, isinugod sa ospital si Zulueta dahil sa pananakit ng dibdib ngunit kalaunan ay pumanaw din.
Gayunman, lumabas sa death certificate ni Zulueta na cerebrovascular disease intracranial hemorrhage o pagdurugo sa utak ang dahilan ng kanyang pagyao na nagdulot ng pagdududa sa tunay na sanhi ng kanyang pagpanaw.
Kasabay nito ay hinikayat ng Kalihim ang PNP na ibahagi sa kanila ang kanilang findings sa dahilan nang pagpanaw ni Zulueta.
Tiniyak ng Kalihim na gagawin ang lahat ng paraan upang lumabas ang katotohanan sa likod ng pagpanaw ni Zulueta at walang makakapigil sa kanila upang mapanagot at makamit ang hustisya.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO