Inihayag ni na dudulog ang Department of Justice sa Korte Suprema upang hilingin ang gabay patungkol sa sinasagawang operasyon laban sa illegal offshore gaming operations sa bansa.
Ang pahayag ng Kalihim ay matapos ang pulong nila ni PNP Anti Cybercrime Group Director Brigadier General Sidney Hernia kung saan tinalakay ang pagsalakay sa sinasabing POGO company sa Las Piñas City noong Hunyo.
Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Remulla sa PNP ACG dahil sa kakulangan ng koordinasyon sa DOJ kaugnay sa naturang pagsalakay sa Las Piñas City.
Kabilang sa tinalakay ng dalawang opisyal ay ang mga kahinaan sa dating POGO raids at paglatag nang mas malinaw na panuntunan sa mga operasyon laban sa illegal POGOs sa bansa.
Sinabi pa ni Remulla na para maalis ang illegal POGOs ay mahalaga na makipagugnayan ang mga ahensya ng DOJ gaya ng Bureau of Immigration at Inter Agency Council Against Trafficking sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Àt ayon nga kay Remulla susulat sila sà Korte Suprema upang.humingi ng gabay at tulong para ang mga prosesong kailangan upang ipatupad ang kanilang mandato na sugpuin ang illegal offshore gaming operations ay maayos na maimplementa.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan