HALOS mahulog tayo sa kinauupan natin dahil sa katatawa nang mabasa ng inyong lingkod ang gawa-gawa at mapang-asar na news article ng “Malacañang Press Corpse” ng “Superficial Gazzette”.
Ito’y matapos nilang inilabas ang balitang na kinonsidera umano ng Vatican na gawing santo si Department of Health Secretary Francisco Duque dahil sa miraculous acts nito, matapos iulat ng DOH ang “instant mass recovery” ng lahat ng mild at asymptomatic COVID-19 cases sa Pilipinas.
Noong Hulyo 30, nang maitala ang single highest rise ng COVID-19 na may 3,954 na panibagong kumpirmadong kaso, dahilan para pumalo sa 89,374 ang kaso sa buong bansa.
Sa araw ding iyon, pumalo sa higit 38,000 ang gumaling sa COVID-19 nang ipabilang doon ang mga mild at asymptomatic case na walang sintomas ng virus 14 araw matapos ang kanilang swab test.
Isa rin umanong balut vendor na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan na kabilang sa may ‘mild’ cases ang nagpahayag ng kanyang pagkagulat.
“Ang galing talaga, ngayon wala na po akong coronavirus! Recovered na ako!”, saad niya habang umuubo na may kasamang dugo.
Ang kanonisasyon ay ang opisyal na pagkilala sa isang namatay na Romano Katoliko bilang isa na karapat-dapat sa pandaigdig at obligadong pagpipitagan.
Kung maitatanghal umano, si Duque na ang ikatlong Filipino na ginawang santo, ayon pa sa gawa-gawang report ng “Malakanyang Superficial Gazzette. Siya nawa!
***
Mga kabayan ko, lubog na sa utang ang Pilipinas na umabot na sa 9 na trilyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Siyempre walang ibang sisingilin dito kundi ang sambayanang Filipino. Ultimo mga batang hindi pa isinisilang ay may utang na. Araykupo!
Ang nasabing pag-utang ng ‘Pinas ay para tugunan ang salot na COVID-19 at iba pang pangangailangan ng ating mga kababayan gaya ng pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP ng DSWD na hanggang ngayon ay hindi natin alam kung saan napunta o may pinuntahan ba talaga?
Marami nang umaangal na manggagawa na nawalan ng hanapbuhay na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakukuha ng SAP?
Ano ba ‘yan, tsinatsane pa? Tsk!
Puno na rin ang mga ospital sa Metro Manila at kung ano-ano na ring eksperimento ang ginagawa ng mga eksperto kuno para labanan ang virus.
Pero ang nakalulungkot, baon na nga sa utang ang Pilipinas ay naungusan pa natin ang China sa dami ng kaso ng COVID-19 cases. Anyare?!
This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish.ACCEPT
Privacy & Cookies Policy
Privacy Overview
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these cookies, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may have an effect on your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. This category only includes cookies that ensures basic functionalities and security features of the website. These cookies do not store any personal information.
Any cookies that may not be particularly necessary for the website to function and is used specifically to collect user personal data via analytics, ads, other embedded contents are termed as non-necessary cookies. It is mandatory to procure user consent prior to running these cookies on your website.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino