December 25, 2024

DOH sa publiko: Kumonsulta muna sa health centers bago sa ospital

HINIMOK ng Department of Health (DOH) ang publiko na unahin munang bumisita sa mga health center sa bansa bago magpa-check up sa mga ospital. 

Ayon kay DOH  officer in charge Maria Rosario Vergeire, may sapat na kapasidad ang mga health centers sa bansa para i-check ang mga primary health concerns ng mga Filipino. 

Pagmamalaki ni Vergeire na may pondo na ang mga  health center sa bansa kaya may mga doktor, nurses at kahit mga dentista na ang mga ito na kayang i-check ang mga basic concerns na dinadaing ng karamihan. 

Paliwanag ng opisyal na malaki ang maitutulong ng pagpunta sa health centers dahil luluwag ang mga ospital sa bansa at mas maasikaso ang mas nangangailangan ng agarang tulong. 

May mangilanngilan na rin na super health centers sa bansa na may mga pasilidad at kagamitan na parang sa isang ospital.