MANILA – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan para magabayan ang publiko at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga community pantry.
“I call on our local governments na sana tingnan natin itong mga pantries na ito, bigyan natin ng guidance kung paano mas maisasaayos ang proseso para organized at we can prevent further infections,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Ayon sa opisyal, nire-respeto ng kagawaran ang pagtatayo ng community pantry sa iba’t-ibang lugar dahil malaki ang naitutulong nito sa komunidad.
Katunayan, may benepisyo rin daw sa pisikal at mental health ng publiko ang naturang inisyatibo.
“Hindi naman kailangan itigil dahil sa tingin ko malaking tulog ito sa physical at mental wellness ng ating mga kababayan.”
“Yung mga nakikita nilang may handang tumulong ay malaking bagay para sa kumpiyansa at wellnes mentally.”
Ilang community pantry na ang nagsulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa matapos simulan ang inisyatibo sa Maginhawa Street, Quezon City.
Layunin ng inisyatibo na bigyan ng tulong na pagkain ang mga komunidad at hikayatin na magbahagi ang mga may kakayahan para makatulong din sa iba.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE