MULING pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging maingat laban sa leptospirosis na makukuha mula sa tubig baha ngayong tag-ulan.
Ayon Dr. Beverly Ho, DOH Director for Promotion and Communication Service, iwasang lumusong sa baha lalo na sa mga taong may sugat.
“If ever that happens, please reach out to your health care provider so that you might be provided with necessary post-exposure prophylaxis kung kinakailangan,” saad ni Ho sa isang online forum.
Ang leptospirosis ay isang water-borne illness na dulot ng leptospira bacteria.
Ang nasabing bakterya ay pumapasok sa sugat ng tao kung ang isang indibidwal ay nakalusong sa baha na kontominado ng ihi ng infected na hayop, lalo na ng daga, ayon sa DOH.
Ilan lamang sa mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, pananakit na kasuha-kaushan, sakit ng ulo, pamumula ng mata. Apektado rin dito ang atay, bato at utak.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA