
Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na mayroong ibang paraan upang tugunan ang teen pregnancy sa kabila ng bumabalot na kontrobersiya ng Senate Bill 1979 o ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill.
Ayon sa DOH, hindi na kailangan ng bagong batas upang tugunan ang isyu at ang kailangan lamang ay ang wastong pagpapatupad ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Law of 2012 (RH Law)
Ang unang hakbang sa pagapaptupad ng batas ay ang wastong pag-hire ng health professionals o experts na magtuturo sa mga estudyante, ayon kay DOH Assistant Secretary Dr. Albert Domingo.
“Meron kasi tayong tinatawag na MAPEH, yung Music, Arts, Physical Education and Health. Ang implementation niton ay isa lang siya sa ‘MAPEH,” ayon kay Domingo.
“Mas maganda kung may designated na health teacher. Isipin niyo yung pe teacher, maton na basketball coach, tapos magtuturo din siya ng reproductive health. Parang medyo awkward yung dating. Dapat yung teacher ay properly trained, Hindi lahat at konti lang ang merong health teacher. Baka iyan ang pwedeng solusyon,” dagdag niya.
Ayon pa sa kanya, dahil may kakulangan pa rin ng mga guro sa bansa, ang pagkuha ng ilang mga nars sa mga paaralan ay maaaring maging solusyon.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na