January 1, 2025

DOH INIULAT ANG 8,900 PANIBAGONG KASO

Mas mababa ngayon ang iniulat ng Department of Health na mga bagong nadagdag sa Pilipinas na nagpositibo sa COVID-19.

Sa bagong datos ng DOH nasa 8,900 ang karagdagang kaso ng COVID.

Dahil dito ang mga nagpositibo sa bansa sa virus mula noong nakaraang taon ay nasa 1,667,714 na.

Ang mga aktibong kaso naman o mga pasyente ay mataas pa rin ang bilang na umaabot sa 78,480.

Samantala meron namang bagong gumaling ngayon na mga pasyente na nasa 7,937.

Sa kabuuan ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa 1,560,106.

Nakapagtala rin naman ng bagong mga namatay na anim na mga pasyente.

Dahil dito ang death toll sa Pilipinas bunsod ng deady virus ay umakyat pa sa 29,128. Ito ay katumbas ng 1.75 percent.

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (78,480) ang aktibong kaso, 93.5% (1,560,106) na ang gumaling, at 1.75% (29,128) ang namatay,” ani DOH sa advisory.

Nilinaw ng DOH na lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 7, 2021 at lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Gayunman dahil sa weekend, mas mababa raw ang output ng mga laboratoryo.