January 23, 2025

DOH, ginagawa ang lahat para mapataas ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa!

TINIYAK ni Department of Health Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergiere na mas pinaiigting ng ahensiya ang mga pamamaraan para maitaas at mapalakas ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Aminado si Vergiere na malayo pa sa target nilang bilang ang kasalukuyang datos ng nagpapabakuna kontra COVID-19 partikular ang unang booster shot subalit ginagawa aniya nila ang lahat para maabot ang target, bago ang ika-100 araw sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa opisyal  kapag mas nilalapit ang bakunahan sa mga lugar na madalas napupuntahan ng tao ay mas nagkakaron ng interes ang publiko at posible aniya na magkaroon ng mataas na antas ng pagbabakuna. 

Target aniya ng DOH na mabakunahan ang 50% ng elligible population para sa unang booster shot o katumbas ng nasa 23 million Filipinos.

Bunga naman ng pagpupursige ng doh para mas maraming mabakunahan ay nakapagtayo na ito ng nasa 18,000 vaccination sites sa buong bansa kabilang dito ang mga palenkge, malls, health centers, at ibat ibang ahensya ng gobyerno.