December 26, 2024

DOH contact tracers dumating na sa Mountain Province

BAGUIO CITY – Dumating na ang unang batch ng contact tracer mula Department of Health (DOH) sa Bontoc, Mountain Province upang dagdagan ang local tracing teams na siyang hahagilap sa mga carrier ng United Kingdom (UK) coronavirus (B.1.1.7) variant.

Saad ni Dr. Amelita Pangilinan, assistant regional director ng DOH sa Cordillera Administrative Region (CAR) na siyang nanguna sa grupo, na mayroon na ngayong 15 cotact tracer mula sa DOH Cordillera regional office at 10 mula sa Ilocos Region.

Ayon pa kay Pangilinan, na 20 pang contact tracer mula DOH Region 2 at 3 ang ide-deploy din.

Sinabi ni DOH-CAR Regional director Dr. Ruby Constantino nitong Sabado na ipinag-utos ni DOH Secretary Francisco Duque III na agarang magpapadala ng grupo na binubuo ng 10 contact tracers bawat isa mula Region 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR) sa Bontoc upang tulungan ang 20 tracers mula sa local government upang hanapin ang first at second level contacts ng 12 na COVID-19 positive na may dalang UK variant.

Sinabi rin niya na sinimulan na ng Bontoc-based team ang contract tracing bago ang pagdating ng DOH team at at lahat sila ay binigyan ng isang notebook kung saan maaalala at maisusulat ang kanilang mga aktibidad sa loob ng dalawang linggo para sa mas madaling paghahanap.

Saad pa ni Constantino na na sumalang din ang mga tracer mula sa DOH sa swab tested gamit ang polymerase chain reaction (PCR) test upang matiyak na wala silang COVID-19.

“They are complying with the entry protocols of Bontoc and Mountain Province,” dagdag pa niya.