January 23, 2025

DOH: 177 health facilities sa Abra napinsala ng lindol

Photo courtesy: Abra Vice Governor Joy Bernos

KINUMPIRMA ng Department of Health na may 177 na pasilidad ng kagawaran ang nasira sa naganap na lindol sa lalawigan ng Abra.

Kinabibilangan ito ng mga ospital, rural health unit, barangay health stations, city at municipality health offices.

Ayon kay DOH OIC Dr. Maria Rosario Vergeire, na ang pinakamatinding napinsala ay ang

Abra Provincial Hospital na agad napuntahan ng mga opisyal ng DOH, nakapagpatayo ng mga tent at pinadalhan ng mga kailangang medical equipment.

May dumating din na mga espesyalista  ng Philippine Medical Emergency Team mula sa iba’t ibang ospital ng gobyerno upang umalalay at hindi mabalam ang operasyon ng Abra Provincial Hospital.

Sa ngayon ay patuloy na binabantayan ng DOH ang mga apektadong health facilities upang makatiyak na ligtas bago ipagamit sa publiko at mga pasyente.