November 19, 2024

DOF SUPORTADO ANG MAHARLIKA FUND

SUPORTADO ng Department of Finance (DOF) ang panukalang naglalayong bumuo ng isang sovereign wealth fund na may seguridad para hindi mapasukan ng politika.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum kanina, sinabi ni DOF Secretary Benjamin inaasahan niyang ise-certify as urgent ang panukala na naglalayong magtaguyod sa tinatawag na Maharlika Wealth Fund (MWF).

Ayon pa kay Diokno, inaasahan ng administrasyong Marcos ang MWF ay magiging operational sa susunod na taon na popondohan ng P250 bilyon.

Magiging resources ng MWF ang kontribusyon ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (Land Bank), at Development Bank of the Philippines (DBP), aniya.

Tiniyak din ni Diokno na magiging transparent ang sovereign wealth fund na may seguridad laban sa political interests at ito ay mahusay na pamamahalaan hindi tulad sa infamous state-owned investment fund ng Malaysia na 1Malaysia Development Berhad (1MDB).

 

“We are more transparent, and there will be a governing body that is entirely separate from the government. While some cabinet members will be part of the advisory council, they will be independent,” saad ni Diokno.


Gayunpaman, sinabi ng DOF chief, na ang Pangulo ang magtatalaga ng mga taong mamamahala sa pondo.

Una rito, inihain ni House Speaker Martin Romualdez ang House Bill 6398 upang itatag ang Maharlika Wealth Fund, tulad sa sovereign wealth fund na mayroon sa ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Romualdez na layon ng pondo na i-maximize ang profitability ng investible government assest na pakikinabangan lahat ng mga Filipino.

Isinunod ang MWF sa sovereign wealth fund  ng nasa 49 na bansa kabilang ang Singapore, China, Hong Kong, South Korea, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Vietnam, at East Timor.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang inaasahang Maharlika Wealth Fund ay magkakaroon ng governing board, na binubuo ng mga nominado ng mga nag-aambag na kumpanyang pag-aari ng estado, na siyang mamamahala sa pondo.

Kasama sa lupon ang dalawang independiyenteng direktor mula sa national government.