January 29, 2025

DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF

Ang Pilipinas, sa pamamagitan ni Special Envoy of the President to the World Economic Forum (WEF) and Finance Secretary Ralph G. Recto, ay nakakuha ng strong business interest sa Artificial Intelligence (AI) investments sa pagtatapos ng WEF Annual Meeting sa Davos-Klosters, Switzerland mula Enero 20 hanggang 24, 2025

Sa Philippine Breakfast Interaction na dinaluhan ng halos 50 internasyonal na lider mula sa pampubliko at pribadong sektor, binigyang-diin ng Finance Chief ang strategic advantages ng Pilipinas na naglalagay dito bilang isang ideal partner sa pagtataguyod ng ekonomiya ng hinaharap.

Sentro sa pitch na ito ang attractive fiscal at non-fiscal incentives sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act na magtitiyak sa pangmatagalang tagumpay ng mga negosyo at posibleng ilagay ang bansa bilang sentro ng AI innovation.

Bukod pa rito, nagpatupad ang gobyerno ng mga regulasyon sa digital space upang palakasin ang pangangasiwa sa digital businesses, tulad ng Internet Transactions Act at ang value-added tax sa non-resident digital services.

Upang mapakinabangan ang demographic sweet spot nito, patuloy na pinapaunlad ng gobyerno ang kasanayan ng Filipino worckforce sa pamamagitan ng Artificial Intelligence Strategy Roadmap nito.

Kasama ni Secretary Recto sina House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina A. Roque, at Ambassador and Permanent Representative of the Philippines to the World Trade Organization (WTO) Manuel Antonio J Teehankee sa briefing.

Nagtipon sa Breakfast Interaction ang mga key business figures, na kinabibilangan nina Marcus Wallenberg, Chairman ng Skandinaviska Enskilda Banken; Philippe Amon, Chairman and CEO ng SICPA SA; Catarina Amon, CEO and Founder ng Classeek; Anthony Tan, CEO and Co-Founder ng Grab; John Riady, Group CEO ng Lippo Indonesia; Tony Fernandes, CEO ng AirAsia; at Calvin Choi, CEO ng AMTD.

Present din sina Jay Collins, Vice Chairman ng Citi; Helena Lersch, Vice President of Public Policy ng Tiktok; Amit Kalyani, Vice-Chairman and Joint Managing Director ng Kalyani Strategic Systems Limited; Albert Chang, Managing Partner ng Southeast Asia, McKinsey & Co., at iba pa.

Dumalo rin ang mga representative ng HCLSoftware, ING, Glencore International, BHP, at Bitkub Capital Group Holdings.