
MAYNILA — Isa ang Department of Finance (DOF) sa mga ahensiyang pinarangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos matagumpay na makaalis ang Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force (FATF), isang makasaysayang tagumpay sa laban kontra money laundering at terorismo.
Opisyal na tinanggal ang Pilipinas mula sa listahan ng FATF ng mga bansang isinasailalim sa masusing pagmomonitor noong Pebrero 21, 2025 — tatlong taon matapos itong maisama noong Hunyo 2021.
Ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto, ang pagkakaalis sa grey list ay nagsisilbing “seal of good housekeeping” na nagpapalakas sa kumpiyansa ng publiko sa sistema ng pananalapi ng bansa. Dagdag pa niya, malaking benepisyo ito para sa mga OFW, mga negosyo, at sa sambayanang Pilipino dahil mas maraming mamumuhunan at makakakasa ng kalakalan sa bansa.
Ang DOF ay aktibong miyembro ng National Anti-Money Laundering/Counter-Terrorism Financing/Counter-Proliferation Financing Coordinating Committee (NACC), ang inter-agency body na tumututok sa pagpapatupad ng National AML/CTF/CPF Strategy (NACS).
Noong Mayo 6, 2025, ginanap sa Malacañang ang paggagawad ng mga parangal kung saan kinilala rin ang mga attached agencies ng DOF gaya ng Bureau of Customs (BOC), Securities and Exchange Commission (SEC), at Insurance Commission (IC).
Kasama ring kinilala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Office of the Ombudsman, National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Coast Guard (PCG).
Pinarangalan din sina Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), National Intelligence and Coordinating Agency (NICA), Armed Forces of the Philippines (AFP), Supreme Court of the Philippines (SC), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Ipinahayag ni Pangulong Marcos Jr. na ang pagkakaalis sa grey list ay tanda ng tagumpay ng bansa laban sa money laundering at financing ng terorismo.
“Ibig sabihin nito, mas matibay na proteksyon laban sa mga banta ng money laundering, terrorist at proliferation financing—mga banta na wala nang puwang sa bansang patuloy na umaabante tungo sa tunay at inklusibong kaunlaran,” ani Marcos.
More Stories
MAGIC 12 SA SENADO DIKDIKAN – SURVEY
DOTr SEC. DIZON: MOTOVLOGGERS NA ABUSADO, ‘MATIK’ SUSPENDIDO
CUSTOMS PINURI NI MARCOS SA TAGUMPAY LABAN SA MONEY LAUNDERING