December 27, 2024

DOE HINIMOK LGUs NA BAWASAN POWER CONSUMPTION NG 10%

HINIMOK ng Department of Energy ang mga local government units na bawasan ang paggamit ng kuryente ng 10 porsiyento upang makatipid at maibaba ang demand ng power supply sa bansa.

Sa forum ng DOE at United States Agency for International Development (USAID) sa Taguig, sinabi ng DOE na mahalagang maipatupad ang kautusan dahil malaking tulong ito sa paggamit ng enerhiya sa buong bansa.

Sinabi ni DOE Senior Science Research Analyst Anabel Elmaga na may ilang libo ang LGUs sa bansa na nagpapatakbo ng ospital at paaralan at ang 10 porsiyentong pagbabawas ng elektrisad ay may malaking epekto sa bansa.

“Itong mga LGU ang dami nila minamanage na mga buildings and facilities, so the impact is big,” sabi ni Elmaga.

Sinabi nito na ang pagbaba ng paggamit ng elekstrisidad ay malaking tulong din sa power sector. Ang matitipid umanong kuryente ay maaari pang gamitin sa ibang proyekto.

Ayon kay Iloilo Provincial Board Member Rolando Distura na 13 LGU-operated hospitals sa lalawigan ay mayroong solar rooftops at ipinatutupad na rin ang implementasyon ng pagtitipid ng kuryente gayundin ang paggamit ng renewable energy.

Idinagdag ni Elmaga na nagsasagawa na rin ng panukala sa Department of Energy, Department of Budget and Management, Civil Service Commission and Department of the Interior and Local Government para sa layuning ito.

“We see the need to have an EEC office sa lahat ng mga LGUs. With that office, makakapag-focus sila sa function nila and ma strengthen ang implementation ng Energy Efficiency and Conservation office sa LGU sector,” ayon pa kay Elmaga.